Environmental and Natural Resources Advocates for GMA's Expulsion

ENRAGED, a broad alliance of environmental advocates calling for President Arroyo to step down

Wednesday, November 02, 2005

Tula at Pabatid

"sentimyento at hamon"

“Hindi na muling maibabalik pa;
ng “I em Sorry” ni Gloria Macapagal Arroyo;
ang daang buhay ng mamamayang nautas;
dahil sa delubyo ng kalikasan;
na dulot ng kapwa malalaking magtotroso (loggers)
legal man o illegal.

Hindi na rin muling maibabalik pa;
ng “I em Sorry” ni Gloria Macapagal Arroyo;
ang mga pugad at tirahan ng mga eksotikong hayop at halaman;
at maging ang mahahalagang biodiversity;
na kanlungan ng buhay sa kagubatan at kabundukan ng Aurora at Quezon.

At lalong hindi na rin muling maibabalik pa;
ng “I em Sorry” ni Gloria Macapagal Arroyo;
ang daan-daan libo-libong punong kahoy;
na kinalbo ng malalaki at dambuhalang kumpanya;
sa pagtotroso dito sa ating bansa sa pamamagitan ng;
mga lisensya na binigay ng gobyerno kasapakat ang
DENR.”

May gaganaping pagpupulong ang mga kasapi ng naitayong malapad na alyansa ng mga makakalikasan para sa panawagang Magbitiw na sa puwesto si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang pwesto!!!. Ito ay sa Nobyembre 7, 2005 sa ganap na ika 1:00 ng hapon sa Nicanor delo Santos Hall (bahay kubo, opisina ng secritariate. 9248756)

Lalamanin ng pagpupulong na ito ang mga plano at hakbang para sa dagdag bigwas kay arroyo. dahil sa samut saring mga isyu ng bayan na kanyang kinasasangkutan, tulad ng usapin sa LOGGING
Napapanahon na ito ay ating pagusapan, dahil mag iisang taon na, gugunitain na ng sambayanan at mga naiwang kapamilya at kapuso ng mga namatay ang karimarimarim na pangyayari sa kanilang komunidad. hindi lamang ang mga buhay at kabuhayan ang nalibing, bagkus maging ang kanilang mga simple at payak na pangarap ay tinuldukan.

Inaasahan po namin ang inyong maagap at positibong pananaw at pagtugon.
Maraming salamat po.

ENRAGED!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home